DAPIT-HAPON
SA UMAGA
12:51 AM
5/16/2014
leahlynduquillatomas
1
Sa gilid ng aking mata, ako ay may nahagip ng
tingin.
Isang kabataang halos lahat ng bagay ay hindi
pansin.
Sumubok akong lumapit upang siya'y kausapin,
Ngunit hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
2
Nagpasya akong siya ay iwanan at layuan,
Subalit bakit hindi ko siya kayang talikuran.
'Di ko kilala ang babae na nasa aking harapan
Ngunit nakikita ko sa kanya ang aking katauhan.
3
Nanaig ang dapit-hapon sa umaga.
Humina ang loob at di na lumaban pa.
Napatalo sa pagsubok at 'di nagtiwala,
Sa DIOS na sa lahat ng bagay ay lumikha.
4
Nabakas ko ang kawalan ng pag-asa sa kabila ng
kabataan.
Nagawang bumitiw sa mga bagay na dapat
panghawakan,
Na tila ba buong daigdig ay pasan-pasan niya sa
likuran
Sa pag-aakalang hindi na siya pinahahalagahan
ninuman.
5
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin
Upang hamigin ang kaniyang litong damdamin.
Basta't ang nais ko na lamang siya ay pangitiin
Bigyan ng payo upang puso at isip ay pagaanin.
6
Kanyang mga pangarap sa buhay ay aking sinariwa.
Dinamayan ko siya upang ipaabot na di siya
nag-iisa
Sa mga pagsubok ng buhay saan man siya mapunta.
Nagawa kong palakasin ang nanghihimagot na bata.
7
Sa pagkakataong ito, kilalang-kilala ko na siya .
Ako nga, ang batang babae na sa salami'y nakikita.
Puno ng pag-asa't 'di kababakasan ng pagkabahala.
Na tanging alaala na lamang ang dapit-hapon sa
umaga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento