Miyerkules, Marso 9, 2011

kain po tayo...
hay! ang buhay nga naman ng tao.
kung minsan masaya at kung minsan ay malungkot.

pero ako... masaya ako nang araw na iyan. bakit? kasi kasama ko sa pamamasyal ang mga kaibigan ko na minsan lang mangyari. kaya lang ang nakakalungkot... mayroong mga wala na hindi ko nakasama. si cyrah at si lovelyn.

ito ang picture namin ni mane. kasama nga ba si mane? baka ako lang hahahaha. pasensya kana best if nacut ka rito. honestly twice palang ako nakapupunta sa manila. nung una medyo nakakainis. kasi naman nag-aagawan kami sa bus.. hay naku... bwisit na bwisit talaga ako that time... pero gayunpaman sulit naman ang ibinayad namin. sumulat pa nga ako sa diary ko e. na sana maisama ko rin ang family ko sa pamamasyal sa MOA.

GOAL KEEPER NG BUHAY KO (Tula)

Sa unang pagkikita pa lang,
Atensyon ko’y agad mong nakuha.
Sa una pa lamang ng paghihinang ng mata,
Tibok ng puso ko’y bumilis ng bigla.

Sa tuwing ika’y makikita ng mga mata,
Piling ko, ako ay nasa langit na.
Siyempre, lalo na pagkausap ka pa,
Bolta-boltaheng ligaya aking nadarama.

Kapag ika’y natatanaw na
Di malaman ang gagawin at puso’y tuliro pa
Pero hindi ako dapat mag-alala
Dahil alam kong ikaw ay akin na.

Tanging hiling ko lang sa maykapal
Pagsasama natin ay mas lalong tumagal
Dahil ang aking pagmamahal
Kailan man ay hindi mapapagal,

Ang pintig ng puso’y  sayo lang laan
 Kahit magunaw pa ang sanlibutan
Handa kang ipaglaban
Dahil ako ang iyong superwoman

MGA KAIBIGAN KO (Tula)

KAIBIGAN

Mahirap humanap ng tunay na kaibigan,
Lalo na sa panahon ng kahirapan.
O kaya’y sa panahon ng pagluha,
at sa panahaon ng pag-iisa.

Mabuti nalang mahal ako ng Panginoon
At binigyan niya ako ng tunay na kaibigan.
Hindi lamang isa, kundi marami
Na maaasahan ko sa lahat ng oras

Iba’t iba ang ugali ng bawat isa.
May inaantok kung hindi nagkukwento,
Mayroon namang may sariling mundo
At mayroog pagnag-ipit, naku walang kawala kahit hairfall.

Ang isa naman, lahat yata gustong subukan
Napakaadventurous, kung ano-ano ang pinapasok.
Mayroon pa, feel na feel ang straight hair
At parang planetang palaging nawawalan sa linya

Mayroon din akong kaibigan na matalino,
Mabait, maamo ang mukha at always smile.
Tanungan ko pag hindi ko maintindihan ang lesson
Ang name niya ay DENNIS N. FERNANDO, ang bff ko!
Si CYRAH LORENZO, she has own world
Napakatahimik, mabait at higit sa lahat iyakin.
Her laugh is very expensive, kaya namumulubi kami sa kanya
Pero ok lang basta masaya s’ya, masaya na rin kami.

Ang kaibigan kong Kapag nag-ipit ng walang kawala
Yan si MARY ANN P.CASTILLO, sensitive,
Medyo makulit pero kwela at patawa
Pero sa totoo lang love na love ko yan.

Mahalin ang tawag ko sa kanya pero ngayon kiti na.
Mabait, sexy at higit sa lahat magandang babae pero kalog
At para siyang planetang palaging nawawala
Ladies and gentlemen LOVELYN M.ALMARIO

Adventurous, palaging Masaya at kung minsan berat.
Alam niya ang lahat ng secret ko sa buhay
At iyakan ko sa tuwing masama ang loob ko
Yan si MANELYN C. NOVERAS, my bestfriend

Bago matapos ang tulang ito
Maraming salamat sa inyo,
Hindi ko kayo makalilimutan
Salamat mga kaibigan ko