Miyerkules, Marso 9, 2011

GOAL KEEPER NG BUHAY KO (Tula)

Sa unang pagkikita pa lang,
Atensyon ko’y agad mong nakuha.
Sa una pa lamang ng paghihinang ng mata,
Tibok ng puso ko’y bumilis ng bigla.

Sa tuwing ika’y makikita ng mga mata,
Piling ko, ako ay nasa langit na.
Siyempre, lalo na pagkausap ka pa,
Bolta-boltaheng ligaya aking nadarama.

Kapag ika’y natatanaw na
Di malaman ang gagawin at puso’y tuliro pa
Pero hindi ako dapat mag-alala
Dahil alam kong ikaw ay akin na.

Tanging hiling ko lang sa maykapal
Pagsasama natin ay mas lalong tumagal
Dahil ang aking pagmamahal
Kailan man ay hindi mapapagal,

Ang pintig ng puso’y  sayo lang laan
 Kahit magunaw pa ang sanlibutan
Handa kang ipaglaban
Dahil ako ang iyong superwoman

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento